SA DYIP
kapag nagbayad ako ng bente
imbes ang sukli ko ay siyete
susuklian ako ng nuwebe
dapat pamasahe ko ay trese
akala senyor na kayâ onse
buhok ko kasi'y kayraming uban
at akin na lang hinahayaan
kung ang pagtingin na nila'y ganyan
mukhâ na akong senyor kung masdan
may JR. man sa aking pangalan
talagang kaybilis ng panahon
hirap man, matatag pa rin ngayon
di tulad ng palaka sa balon
kundi kalabaw, nakakaahon
- gregoriovbituinjr.
03.29.2026

No comments:
Post a Comment