SI BULAKNA
black belter umano sa arnis si Bulakna,
isang babaylan, mandirigmâ, makatâ pa,
at kay Lapulapu ay butihing asawa,
babae, pinunô, ating bigyang halaga
nakita sa eksibit ni Kidlat Tahimik
nang mata ko'y imulat, di na maipikit
si Bulakna pala sa arnis ay kaylupit
pangalan niya sa kasaysayan igiit
dapat pa tayong magsaliksik ng ganito
dapat pa nating saliksikin ang ganito
tagong kasaysaya'y halungkating totoo
ngala'y idagdag sa bayaning Pilipino
O, Bulakna, pangalan mo'y isinadiwà
sa Mactan ay isa kang bayaning dakilà
kaylaki ng papel ng babae sa bansâ
"Bayani ng Arnis", itatawag kong sadyâ
- gregoriovbituinjr.
03.19.2026
* mga litrato kuha ng makatâ noong Marso 15, 2026 sa MET
Thursday, March 19, 2026
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi mananahimik ang tahimik na makatâ
HINDI MANANAHIMIK ANG TAHIMIK NA MAKATÂ tahimik lang ang makatang nakapangalumbabâ malalim ang nilay sa pasamano ng bintanà tila may suliran...
-
ANG AKLAT NG 34 NA KWENTO NI H. G. WELLS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Katulad ng manunulat na Pranses na si Jules Ve...
-
TINURING MANG MAKATÂ NG LUMBAY tinuring na makatâ ng lumbay sa mga tulang may luhang taglay lalo't nag-iisa na sa buhay bálo na't la...
-
ANG PABAHAY AY KARAPATANG PANTAO batid ng maralitâ ang katotohanang bawat pabahay ay pantaong karapatan kayâ iyang demolisyon ay kasamaan pa...



No comments:
Post a Comment