Monday, March 23, 2026

Pebrero at Marso

‎PEBRERO AT MARSO
‎sa pagsulpot ng Pebrero
‎nabubuhay na lang ako
‎sa pagbebenta ng libro
‎gutom na kung wala ito
‎ngayong Marso, gayon pa rin
‎kakilala'y aalukin
‎upang aking libro'y bilhin
‎nang may pambiling pagkain
‎bagong pagkakakitaan
‎na ang kinakailangan
‎habang tuloy ang tulaan
‎anupaman ang pagitan
‎kayhirap nang nag-iisa
‎bagamat kasama'y masa
‎walang magpayong maganda
‎sa tulad kong biyudo na
‎gayon din kayâ sa Abril
‎na búhay na'y sinisikil
‎kaypayat na't walang bilbil
‎karapata'y nasusupil
‎kapalaran ma'y kay-ilap
‎ang solo'y di nililingap
‎sana ako'y makahanap
‎ng pagkakitaang ganap
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.23.2026

No comments:

Post a Comment

Pebrero at Marso

‎PEBRERO AT MARSO ‎ ‎sa pagsulpot ng  Pebrero ‎nabubuhay na lang ako ‎sa pagbebenta ng libro ‎gutom na kung wala ito ‎ ‎ngayong  Marso , gay...