Sunday, March 22, 2026

Pagbabakasakali ngunit sulit

  

PAGBABAKASAKALI NGUNIT SULIT
‎kayrami kong natutunan sa Printbiz
‎para sa akin ay sulit na sulit
‎nais kong natutunan ko'y magamit
‎sana dito'y di ako magmintis
‎di sapat ang aking napagbentahan
‎ng mumunti kong libro ng tulaan
‎dapat may dagdag na pagkakitaan
‎sa Printbiz ay nagbakasakali lang
‎ngunit sulit pagkat ako'y natuto
‎upang ang buhay ay muling tumakbo
‎pasasalamat ang tanging alay ko
‎pagkat may pagkakakitaang bago
‎maraming salamat at pagpupugay
‎sa Printbiz, mga mentor ay kayhusay
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.22.2026

No comments:

Post a Comment

Mula sa radio: Remember Someone Today

   ‎MULA SA RADYO:  REMEMBER SOMEONE TODAY ‎ ‎kaysarap pakinggan ng musika ‎ng pagsintang may inaalala ‎sa radyo lalo na't sasabihin: ‎...