PASARING
may pasaring muli ang komikero
hinggil sa senaTONG na nakakulong
di raw magtatagal sa kalaboso
dahil sa kaytinding agimat niyon
aba'y nagbiro pa si Mambubulgar
sapul na sapul ang pinatamaan
masa'y batid agad ang ibinulgar
dahil headline naman sa pahayagan
ngunit agimat ba'y tatalab kayâ
sakaling siya'y makalaya agad?
paano ang hustisya sa binahâ?
dahil sa ghost flood control, anong bigat!
o agimat ay sa pelikula lang?
at di sa kurakot na puso'y halang?
- gregoriovbituinjr.
01.21.2026
* mula sa pahayagang Bulgar, Enero 21, 2026, p.3
Wednesday, January 21, 2026
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Panligaw o mali ang pamagat?
PANLIGAW O MALI ANG PAMAGAT? U.S. State Capital ang pamagat ngunit pagkain ang pagpipilian tila nililigaw tayo ng landas na duduluhin...
-
ANG AKLAT NG 34 NA KWENTO NI H. G. WELLS Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Katulad ng manunulat na Pranses na si Jules Ve...
-
TINURING MANG MAKATÂ NG LUMBAY tinuring na makatâ ng lumbay sa mga tulang may luhang taglay lalo't nag-iisa na sa buhay bálo na't la...
-
ANG PABAHAY AY KARAPATANG PANTAO batid ng maralitâ ang katotohanang bawat pabahay ay pantaong karapatan kayâ iyang demolisyon ay kasamaan pa...

No comments:
Post a Comment